Mabilis na kumalat ang apoy sa madamong bahagi ng Brgy. San Vicente, Calasiao, Pangasinan kahapon nang umaga.
Naabutan pa ng IFM News Team ang insidente hanggang sa lumaki at lumawak pa ang nasunog na kalupaan sa nasabing bahagi.
Ayon sa kapitan ng barangay, taon-taon na raw kung mangyari sa mismong lugar ang grassfire dahilan na rin umano ang mainit na panahon.
Nirespondehan ang naturang insidente ng BFP Calasiao at BFP Dagupan.
Sa una ay nahirapang apulahin ng mga firefighters dahil nagkalat ang mga apoy.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng awtoridad ukol sa posibleng pinagmulan ng grassfire, maging ang lawak ng lupaing nasunog.
Samantala, nito lamang Marso ay mayroon nang naitalang fire incident sa bahagi naman ng Brgy. Nalsian at Mancup sa parehong bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨