GRATUITY PAY PARA SA HIGIT-KUMULANG NA EMERGENCY WORKERS SA DAGUPAN CITY, PIRMADO NA

Pirmado na ng alkalde ng Lungsod ng Dagupan ang gratuity pay para sa mga job order employees sa lungsod.
Humigit-kumulang isang libong job order employees o emergency workers ang tatanggap ng P5,000 at 25 kilos na bigas mula sa LGU Dagupan City.
Ayon sa alkalde ng lungsod na si Mayor Belen Fernandez ito umano ay alinsunod sa administrative order o mandato ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Dagdag pa nito, asahan umano ang naturang gratuity pay sa buwan ng Enero 2023 kung saan inaayos na nila ang pagpoproseso dito para agad itong matanggap.
Layunin ng tulong na ito ay upang bigyang pagkilala ang mga nasabing manggagawa ng gobyerno sa kanilang ambag na kasipagan at sakripisyo bilang katulong sa pagpapatupad ng mga proyekto at programa at sa pagbibigay ng serbisyo publiko na kailangan ng mga residente sa lungsod at sa kabila pa rin ng hamon ng pandemya. | ifmnews
Facebook Comments