GRAVE THREAT | Sen. Antonio Trillanes, minaliit lang ang kasong isinampa sa kanya ni Labor Usec. Jacinto Paras

Manila, Philippines – Minaliit lang ni Senador Antonio Trillanes ang isinampang kasong grave threat ni Labor Undersecretary Jacinto “Jing” Paras dahil sa umano ay pagbabanta nito.

Sa interview ng RMN DZXL Manila, sinabi ni Trillanes na posible ang puno’t dulo ng pagsasampa ng kaso ni Paras ay ang kanyang pagtanggi na makipagkamay rito nang magkita sila sa Senado.

Aniya, walang kredibilidad si Paras na tinawag niyang isang magnanakaw ng cellphone.


Muli ring itinanggi ni Trillanes na nagbanta siyang papatayin si Paras.

Bunsod nito, sumulat na si Trillanes kay Senate President Tito Sotto para humingi ng kopya ng CCTV footage ng pagkikita nila ni Paras sa plenary session noong hapon ng Mayo 29.

Giit ni Trillanes, gagamitin niya ang kopya ng CCTV footage sa pagsagot niya sa grave threat case ni Paras laban sa kanya.

Una nang naghain ng sedition complaint si Paras laban kay Trillanes kaugnay sa naging privilege speech nito laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments