Greco Belgica: ‘Hindi maituturing na krimen ang pagtanggap ng regalo ng mga pulis’

Ipinahayag ni Greco Belgica, commissioner ng Presidential Anti-Corruption Commission, na walang mali na tumanggap ng regalo ang mga opisyal ng gobyerno.

Nitong Biyernes, Agosto 9, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang talumpati na hindi suhol na maituturing ang natatanggap ng kapulisan kung galing ito sa mga taong “mapagkaloob.”

“Very clear po yung statement ni President na if the gifts are out of gratitude, these are not bribery or out of coercion or force,” aniya.


Sa kaniyang panayam sa ANC, sinabi ni Greco na pati si Hesu Kristo ay nagpapangaral din ng pagpapasalamat at pagkakabukas- palad ng mga tao.

“It is an attitude that even Christ has taught us, so it is not a crime to accept gifts out of gratefulness,” pahayag niya.

Ayon kay Greco, hindi maituturing na krimen ang pagtanggap ng regalo kung ang layunin ng mga opisyal ay gawin lamang ang kanilang trabaho.

Pinahayag naman ni Philippine National Police (PNP) Chief General Oscar Albayalde na kailangan sundin ng mga pulis ang Republic Act 6713 o Code Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Sa ilalim ng batas, hindi maaaring tumanggap ng kahit anumang regalo, pabor o pera ang mga opisyal ng gobyerno mula sa sinuman na may kinalaman sa kanilang katungkulan.

Si Greco Belgica ay founder ng President of the Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS). Hinirang siya ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang commissioner ng Anti- Corruption Commission noong 2018.

Facebook Comments