Isinusulong sa bayan ng Mangaldan ang pagkakaroon ng Green Canopy Program sa kanilang bayan kung saan nakipagpulong ang kinatawan ng kanilang Municipal Cooperatives Office sa mga kinatawan mula sa Provincial Population, Cooperative and Livelihood Development Office o PPCLDO para sa pagkakaroon nila ng partnership para naturang programa.
Ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan kasi ay naghahangad ng joint stewardship strategy sa Lokal na Pamahalaan ng Mangaldan para sa kanilang kampanya sa environmental awareness and conservation na kanilang tawagin, “Pangasinan Green Canopy Program”.
Ang programa nilang ito ay may layunin na magtanim ng mas marami pang puno na siyang lalaban sa pabago-bagong klima at mas maganda pang itsura ng kapaligiran.
Kaya naman, para sa pagsulong na ito, ipinaliwanag ng PPCLDO ang naturang panukala at tatalakayin sa alkalde kasama ang Municipal Agriculture Office (MAO) at Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) para mas mapag-aralan pa ang viability nito at matukoy kung aling mga barangay ang higit na makikinabang mula sa Green Canopy Program. |ifmnews
Facebook Comments