Patuloy na isinasagawa ang proyektong Green Canopy ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan para sa layuning maprotektahan ang ang kalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga daan-daang punla ng puno sa mga bayan-bayan sa lalawigan.
Matagumpay na naitanim sa Brgy. Lareg-Lareg sa bayan ng Malasiqui ang dalawang daang assorted fruit bearing trees na itinanim ng mga estudyante ng Lareg-Lareg National High School at matagumpay ring naitanim sa Brgy. Uyong, Labrador ang kabuuang tatlong daan mga punla.
Pinangunahan ang naturang pagtatanim ng mga kawani ng Provincial Population Cooperative and Livelihood Development Office, Provincial Agriculture Office, Provincial Health Office, Philippine National Police, Barangay Officials at CVO’s.
Matatandaan na ang Green Canopy Project ay isa tinututukang programa para sa kalikasan ng pamahalaan ng probinsya sa pangunguna ni Gov. Ramon Guico III kung saan nasa isang milyong puno ang target na itanim sa iba’t ibang bahagi ng Pangasinan ngayong taon 2023. | ifmnews
Facebook Comments