GREEN CANOPY PROJECT PATULOY NA ISINASAGAWA NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG PANGASINAN; 500 PUNO, ITINANIM SA BAYAN NG MALASIQUI

Dahil sa layuning makatulong sa kalikasan ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan, patuloy na isinasagawa ang proyektong Green Canopy sa pamamagitan ng pagtatanim sa bayan ng Malasiqui.
Dito, limandaang mga puno gaya ng variations ng cacao, kamias at kasoy ang itinanim sa Material Recovery Facility ng Brgy. Bacundao West, sa nasabing bayan kung saan pinangunahan ito ng Provincial Health Office (PHO) sa pamumuno ni Provincial Health Officer Dra. Anna Maria Theresa De Guzman, kasama ang mga kawani ng MDRRMO Malasiqui, LGU Malasiqui at Guardians, Malasiqui Chapter.
Matatandaan na ang Green Canopy Project ay isa tinututukang programa para sa kalikasan ng pamahalaan ng probinsya kung saan nasa isang milyong puno ang target na maitanim ngayong taon.

Samantala, ang programang ito ay pinangangasiwaan din ng Provincial Population Cooperative and Livelihood Development Office (PPCLDO) Head Ellsworth Gonzales. |ifmnews
Facebook Comments