Umani ng samo’t saring mga komento ng mga netizens ang programa ng Las Piñas City government kaugnay ng “Green Card” project ng lungsod.
Ang nasabing Green Card project na pangkalusugan ay nagbibigay umano ng subsidiya na nagkakahalaga ng Php30,000 sa mga residente ng lungsod.
Subalit taliwas sa nasabing programa na lumalabas sa social media ay hindi umano sila nakinabang sa nasabing programa bagkus ay paraan lamang umano ng mga nanunungkulan dahil sa nalalapit na ang election.
Kabilang sa mga reklamo ng mga residente, nag-renew na sila subalit hindi na nila nakuha ang kanilang card.
Ang iba naman hindi nakapag-avail ng libreng gamot sa hospital at hindi nagamit ang card dahil walang bakanteng kwarto.
Base sa post sa Facebook ng Las Piñas Local Government Unit (LGU) kabilang sa mga accredited hospitals ay ang Las Piñas Doctors Hospital, San Juan de Dios Hospital, Las Piñas Medical Center, University of Perpetual Help Medical Center at Philippine General Hospital and Medical Center.