Green Climate Fund project sa Pilipinas, suportado ng DILG

Apat na Hazard-Prone Cities at Municipalities sa bansa ang makikinabang sa unang Green Climate Fund (GCF) project na pinondohan ng 10-million US Dollars.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, Kabilang sa mga lugar na ito ang Tuguegarao City, Legazpi City,ang bayan ng  Palo sa  Leyte, at New Bataan sa  Davao  Oriental .

Paliwanag ni Año, ang mga tinukoy na mga lugar ay pagtatayuan ng Multi-Hazard Impact-Based Forecasting and early warning system na inaprobahan ng Green Climate Fund Board sa meeting kamakailan sa Songdo, Korea.


Aniy ang Multi-Hazard Impact-Based Forecasting and Early Warning System ay naglalayong isalin ang hazard forecasts sa isang babala na naghahatid ng lokasyon at mga tiyak na epekto, na nagbibigay ng Climate Risk Information direkta sa mga lgus at komunidad sa ground.

Kaugnay nito, nagpaabot ng pasalamat ang DILG sa GCF board sa pag-apruba ng proyekto dahil malaki ang maitulong nito sa pagsisikap ng gobyerno upang magkaroon ng katiyakan ang LGU”s sa tinatawag na right risk information na magbibigay-daan sa mabilis na pagtugon sa nagbabadyang panganib.

Facebook Comments