Green group, i-kinatuwa ang pahayag ng DOE na baguhin ang patakaran sa power supply bidding

Ikinagalak ng Power for People Coalition ang pakikiisa ng Department of Energy o DOE sa paggiit sa Meralco na baguhin ang regulasyon at umangkop sa ‘Power Suppliers Bidding’ sa pangangailangan ng enerhiya.

Partikular ang pag-sama sa patakaran na dapat na pagsunod ng Meralco sa ‘Renewable Energy’ sources sa ‘Power Distributor’s Energy Mix.’

Ayon kay P4P Convenor Gerry Arances, welcome sa kanila ang anunsyo ni Secretary Alfonso Cusi.


Gayunman, nababahala sila na sa ilalim ng babaguhing patakaran ay magbubukas ito sa pag-pasok ng coal-fired power plants.

Balak ng Meralco na ang elektrisidad ay kailangang nanggaling mula sa kontorbersiyal na “High Efficiency, Low Emissions” (HELE) technology.

 

Ito ay isang teknolohiya na sinasabing nakababawas ng ’emissions’ na hindi maglalabas ng ‘total pollution’ na sanhi ng paggamit ng ‘coal’ o karbon.

Sa ilalim ng bagong terms of reference, nais ni Cusi na ang anumang planta na papayagang magbebenta ng parte ng kanilang kapasidad ay maaring ipagbili ang kanilang mga labis o ‘surplus’ sa open market.

Ani Arances, pumapabor lamang ito sa malalaking negosyante.

Pero, madedehado rito ang ordinaryong mamamayan dahil magmamahal ang bayarin sa konsumo ng kuryente.

Facebook Comments