Mahigpit na binabantayan ngayon ng mga clean energy advocates ang Competitive Selection Process Meralco nacompetitive bidding process para sa kontrata sa bagong power plant na may 1,200 megawatts.
Ito ay kasunod nang pagpapalabas ng Meralco ng mga bagong ‘terms of reference para sa mga bids ng kanilang 1,200 MW power requirement.
Ayon kay Gerry Arances, Convenor ng Power for People Coalition, bagamat ‘welcome’ naman sa kanila ang mga pagbabago na ginawa ng Meralco sa kanilang TOR matapos utusan ng Department of Energy nariyan ang paghahangad nito na ipapasan sa kanilang mga kostumer ang ‘costly and dirty electricity’ mula sa ‘coal’ o karbon.
Ayon pa sa P4P convenor, sa pagtatapos ng 2019 na may pinakamataas na naitalang rekord ng ‘red and yellow alerts’ sa loob lamang ng isang taon sa Luzon grid.
Ito ay dahil na rin sa karamihan sa pinagkukunan ng elektrisidad ay mula sa coal power plants na aabutin pa umano ng ilang araw bago maibalik ang operasyon kapag nagkaroon ng problema.
hinamon ng grupo ang Meralco na gawing New Year’s resolution nito na magkaloob at tiyakin na bukod sa abot-kayang halaga, ay ligtas pa sa kalusugan at kalikasan ang kanilang ‘power requirements.’