Muli nang binuksan ng Bureau of Customs (BOC) ang green lane o ‘fast lane’.
Mababatid na sinuspinde ito dahil sa nakalusot na ₱6.4 billion drug shipment noong 2017.
Ayon kay BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero – ang reactivation ng green lane ng customs selectivity system ay ipinatupad noong December 20, 2018.
Ang kopya ng memorandum ay ibinigay sa lahat ng customs officials.
Inatasan din ni Guerrero ang pinuno ng risk and management office na siyang nakatutok sa selectivity system na i-update ito at paganahin muli ang parameters ng green lane.
Facebook Comments