Green post-pandemic recovery, isinulong ni PBBM sa 29th APEC Economic Leaders’ Meeting Retreat Session sa Thailand

Photo Courtesy: Office of the President Facebook Page

Sinusuportahan ng gobyerno ng Pilipinas ang adoption ng Bangkok Goals on the Bio-Circular-Green o BCG Economy na ayon kay Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) ay patahak tungo sa mas matatag na Asia-Pacific region.

Sa naging intervention ng pangulo sa 29th APEC Economic Leaders’ Meeting Retreat Session, sinabi ng presidente na kailangang magkaroon ng recalibration sa mga polisiya na nagtataguyod ng green post-pandemic recovery.

Ayon sa pangulo, ang BCG Economy model ay nakalinya sa agenda ng administrasyon sa paglikha ng green and quality jobs.


Dagdag ng pangulo na layunin din ng BCG o ng Bio-Circular-Green Economy na magkaroon ng pantay-pantay na economic growth na ang benepisyo ay mararamdaman hanggang sa lahat ng tahanan habang dapat din aniyang maging responsive ang mga kinauukulang institution sa mga hamon ng kasalukuyang economic crises.

Ang green jobs ay tumutukoy sa agricultural, manufacturing, research and development na nagpepreserba at bubuhay sa environmental quality.

Facebook Comments