
Natagpuan sa pasabing o fish trap ang isang green sea turtle na pagma-mayari ng isang mangingisda na taga Barangay Pangapisan, di kalayuan sa Mangrove Bani sa Alaminos City.
Ang natrap na pawikan ay nasa 83×79 cm ang laki kung saan agad naman itong isinurrender sa kinauukulan.
Ayon sa City Agriculture Office ng Alaminos, ito umano ang pinakamalaking pawikan na na-isurrender sa kanilang lungsod.
Paalala naman ng DENR at BFAR sa mga residente na mahigpit nilang ipinagbabawal ang panghuhuli, pagbebenta at pagkatay sa mga pawikan na nakasaad naman sa kanilang batas.
Sa ngayon ay maayos at ligtas na ang kalagayan ng pawikan at pansamantalang nasa pangangalaga na ng mga kinauukulan.|ifmnews
Facebook Comments









