Naisakatuparan sa Alaminos City ang isang greenhouse project with hydroponics na siyang isa sa pinaka marami pa umanog proyekto ng lokal na pamahalaan kung saan sumusuporta sa kanilang agricultural sector.
Ang makabagong teknolohiya na ito mabibigyan umano ng maayos na pamamaraan sa pagtatanim at sa pamamagitan nito ay maaaring magkaroon ng production increase pagdating sa pagkain na siyang makapagpapagaan sa mga magsasaka.
Ang Greenhouse with Hydroponics ay isang pasilidad para sa modernong urban farming na sa halip na hayaan ang mga halaman na subukang sumipsip ng mga sustansya sa pamamagitan ng lupa, ang hydroponics ay makatutulong na makapaghatid ng solusyon nang direkta sa root zone ng isang halaman, na nagbibigay ng mga sustansya kung saan madali silang masipsip.
Ang pagsasakatuparan ng naturang proyekto ay mula sa inisyatibo ng lokal na pamahalaan ng Alaminos katuwang naman ng City Agriculture Office. |ifmnews
Facebook Comments