“Gross negligence”, itinanggi ng CHED sa implementasyon ng flexible learning

Mariing itinanggi ng Commission on Higher Education (CHED) ang bintang ng Kabataan Partylist na “grossly negligent” ang pagpapatupad ng flexible learning sa panahon ng pandemya.

Una rito, sinabi ni CHED Chairperson Prospero De Vera III na ang flexible learning na ang magiging “new normal” at malabo nang maibalik ang tradisyunal at full-packed na face-to-face setup sa mga kolehiyo at uniberdidad.

Giit ni De Vera, marahil ay nalilito lang ang mga kritiko sa pagitan ng flexible learning at online learning.


Paliwanag ng opisyal, sa ilalim ng flexible learning policy, maaari pa ring gumamit ang mga guro ng online at offline methods ng pagtuturo gayundin ng limited face-to-face classes lalo na para sa medical courses.

Sa halip na tumuligsa, hinimok ni De Vera si Kabataan Partylist Rep. Sarah Elago na talakayin na lang sa kongreso ang isyu ng kakulangan ng internet allowance para sa mga estudyante.

Facebook Comments