Maaaring ipatupad ang temporary waive sa mga toll para sa mga motoristang dumadaan sa North Luzon Expressway (NLEX) kapag napatunayang mayroong gross negligence.
Ayon kay Toll Regulatory Board (TRB) Spokesperson Julius Corpuz, kapag nagkaroon ng kapabayaan sa parte ng toll operator lalo na sa pagganap ng kanilang responsibilidad, maaaring i-waive ang toll.
Patuloy ang kanilang pag-review at pag-audit sa impact ng cashless toll collection system sa expressways mula nang simulan ang pagpapatupad nito nitong December 1.
Matatandaang sinuspinde muna ng Valenzuela City Government ang business permit ng NLEX Corporation sa mga toll plaza na sakop ng kanilang lungsod dahil sa kabiguan ng kumpanya na masolusyonan ang matinding pagkakabuhol-buhol ng trapiko na idinudulot ng palpak na cashless toll collection nito.