Ground Breaking Ceremony ng Dalawang Bagong Silid Aralan sa Cabanatuan City, Isinagawa!

*Fort Magsaysay, Nueva Ecija*- Matagumpay na idinaos ng Ground Breaking Ceremony ng dalawang bagong silid aralan sa Cabu Elementary School, Cabanatuan City noong ika dalawampu ng abril taong kasalukuyan.

Ang naturang gusali ay ipinapatayo ng pinagsamang Armed forces of the Philippines at ng United States Pacific Command sa ilalim ng kanilang balikatan excercise program.

Samantala, dinaluhan naman ito ng kinatawan ng 7th Infantry (Kaugnay) Division na si Lieutenant Colonel Eugene Villaruz, Commanding Officer, Lieutenant Colonel Elmer Jay Anibigno II, Lieutenant Colonel Arman Mampusti, Lieutenant Colonel Soulynamma Pharathikoune, Commanding Officer ng 9th ESB, USMC at ni Councilor Eduardo Joson VII naman bilang Guest of Honor and Speaker.


Dagdag pa rito ay una ng nakapagsagawa ng Ground breaking ceremony sa Calangitan Elementary School sa Capas, Tarlac samantalang may mga naipatayo na ding mga silid aralan sa mga barangay ng Cagayan at Isabela na pareparehong nakatakdang magbukas sa ika pito ng mayo taong kasalukuyan.

Facebook Comments