Cauayan City, Isabela- Nakatakdang magsagawa ng ground breaking ceremony ngayong araw, Pebrero 15, 2021 ang lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Ilagan para sa itatayong multi-purpose commercial at Convention center partikular sa brgy. Alibagu, City of Ilagan, Isabela.
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginoong Paul Bacungan, tagapagsalita ng Lungsod ng Ilagan, pangungunahan ni City Mayor Jay Diaz ang gagawing ground breaking ceremony na dadaluhan din ng iba pang mga opisyal.
Ang commercial at convention center na itatayo ni Mayor Jay Diaz ay kayang mag-okupa ng 10 libong katao.
Ayon pa sa tagapagsalita, naantala lamang ang proyektong ito dahil sa COVID-19 pandemic subalit hindi na aniya ito hadlang para matigil ang pagpapatayo sa nasabing struktura.
Dagdag pa ni Ginoong Bacungan, magiging sentro ng negosyo sa Lungsod ang itatayong proyekto na inaasahang malaking tulong para sa mga Ilagueño.
Tinatayang aabot sa halagang Php300-Milyon ang inilaang pondo para sa naturang proyekto.