*Benito Soliven, Isabela- *Matagumpay na isinagawa ng Department of Agriculture sa pangunguna ni Regional Executive Director Narciso Edillo ng DA Region 2 ang ground breaking ceremony para sa Lucban Solar Powered Irrigation System sa Brgy. Lucban, Benito Soliven, Isabela.
Sa personal na pagtutok ng RMN Cauayan, makakatulong ang nasabing proyekto na pinasimulan ni DA Sec Manny Piñol sa nasa 30 hanggang 50 ektarya na sakahan ng mga magsasaka sa nasabing bayan.
Manggagaling ang supply ng tubig sa Cagayan river at gagamitan ito ng higit kumulang 40 na water pump na patatakbuhin ng solar radiation.
Ayon kay Engr, Daisy Salbo, tagapagsalita ng Solar Power Irrigation System, target anya ng tanggapan ng DA na matapos ngayong taon ang pitong unit ng Solar Power Irrigation System na proyekto dito sa rehiyon dos upang mapakinabangan rin ng iba pang magsasaka.
Marami na rin anya sa bansa ang mga naipatayo na ganitong uri ng patubigan na napakinabangan na ng maraming mga magsasaka.