Ground breaking para sa itatayong Maguindanao Government Center isinagawa sa bayan ng Buluan

Ikinatuwa ni Maguindanao Governor Esmael Toto Mangudadatu ang pagpapatayo ng Maguindanao Government Center sa bayan ng Buluan Maguindanao. Kabilang si Gov. Mangudadatu kasama si ARMM Gov Mujiv Hataman sa dumalo sa isinagawang ground breaking ceremony para sa Proposed Construction ng Maguindanao Government Center sa bayan ng Buluan Maguindanao kaninang umaga. Ayon kay Gov Mangudadatu itoy matagal ng pinapangarap na ngayon ay maisasakatuparan na rin matapos paglaanan ng pondong nagkakahalaga ng 100 milyong piso na napasama sa GAA ng Regional government ng ARMM. Ito ay itatayo sa loob ng 10- 12 buwan sa bayan ng Buluan Maguindanao.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments