Ground floor ng gumuhong Chuzon Supermarket sa Porac, Pampanga – napasok na!

Napasok na ng mga rescuer ang groud floor ng gumuhong Chuzon Supermarket sa Porac, Pampanga.

Ayon kay Office of Civil Defense Region III Director Marlou Salazar, sinusuyod na nila ang bahagi ng customer area sa unang palapag ng gusali para hanapin kung may mga na-trap pa sa loob.

Mabilisan pero maingat ang operasyon ng mga otoridad gamit ang K9 unit ng Philippine Coast Guard at Philippine Army.


Nagpapatuloy ang search and rescue operations sa lugar bagama’t sinabi ni Pampanga Police Director Col. Jean Fajardo na wala na silang na-detect na proof of life.

Wala na rin aniyang naghahanap ng nawawalang kaanak.

Dahil dito, posibleng simulan na rin ng mga otoridad ang retrieval operations bukas.

Facebook Comments