GROUNDBREAKING CEREMONY NG ALICAOCAO BRIDGE, MATAGUMPAY

CAUAYAN CITY- Naging matagumpay ang isinagawang groundbreaking ceremony ng Alicaocao overflow bridge ngayong araw sa Brgy. Carabatan Chica-Mabantad, Cauayan City, Isabela.

Ang naturang programa ay pinangunahan ni Congressman Faustino “Inno” Dy V at Mayor Caesar “Jaycee” Dy Jr. kasama ang mga Sangguniang Panlungsod at Barangay Officials ng East Tabacal Region at West Tabacal Region.

Ayon kay Congressman Faustino “Inno” Dy V, ang nasabing tulay ay kapalit ng Alicaocao Overflow Bridge kung saan madalas itong binabaha at nagiging pahirap sa mga residente ng East Tabacal at Forest Region lalo na ang mga magsasaka.


Layunin ng proyekto na bigyan ng maayos na transportasyon ang mga magsasaka upang mapabilis ang pagbyahe ng kanilang mga kalakal.

Bukod sa Alicaoca Bridge, itatayo rin ang tulay na magkokonekta sa Brgy. Sta. Luciana at Brgy. San Pablo, Cauayan City.

Facebook Comments