Pinangunahan ni Mayor Isko Moreno ang groundbreaking ceremony ng gagawing 10-storey building sa loob ng Ramon Magsaysay High School sa España Blvd. sa Sampaloc, Maynila.
Ang nasabing building ay magkakaroon ng 232 na classroom at 18 office at faculty room.
Mayroon din itong canteen sa ground floor, library sa second floor at admin building.
Bukod dito, may karagdagan ding ammeneties ang itatayong building tulad ng auditorium, gym, play area, outdoor sports area sa roof deck, elevators, hallway at parking space.
Ang nasabing hakbang ay bilang bahagi ng pagpapalakas sa sistema ng pampublikong edukasyon sa lungsod ng Maynila.
Gayundin ang pagpapaunlad ng mga pasilidad sa bawat pampublikong paaralan.
Ito na ang ikaapat na eskwelahan na tatayuan ng mga bagong 10-storey building kung saan nauna na itong isinasagawa sa Almario Elementary School, Manila Science High School at Albert Elementary School.