GROUNDBREAKING CEREMONY NG CDRRM OFFICE SA BRGY. TAGARAN, ISINAGAWA

Cauayan City – Tagumpay na naisagawa ang groundbreaking ceremony ng ipatatayong bagong City Disaster Risk Reduction and Management Office sa lungsod ng Cauayan.

Napiling ipatayo ang bagong opisina ng CDRRM sa Brgy. Tagaran, Cauayan City, Isabela.

Pinangunahan ni Cauayan City Mayor Hon. Caesar “Jaycee” Dy ang nabanggit na seremonya, kung saan kasama niya rin dito ang mga miyembro ng CDRRMO na pinamumunuan ni Ginoong Ronald Viloria.


Samantala, nagkaroon rin ng blessing ang Quick Response Team Base 3,MOCCOV vehicle, at PCSO Ambulance sa Brgy. Nungnungan 2, Cauayan City, Isabela.

Facebook Comments