Groundbreaking ceremony ng sewage treatment plant at water waste interceptor, pinasinayaan

Pinangunahan nina MMDA Chairman Benhur Abalos at DENR Secretary Roy Cimatu ang groundbreaking ceremony ng pagpapatayo ng sewage treatment plant at wastewater interceptor sa tabi ng Libertad Pumping Station sa Macapagal Boulevard sa lungsod ng Pasay.

Sa pamamagitan ng sewage treatment plant at wastewater interceptor, malilinis na ang maruming tubig na dumadaloy sa Libertad Channel.

Mayroong 80 million coliform level ang dumadaloy sa Tripa de Gallina waterways sa Pasay at 1 million coliform level nito ay dumadaloy patungong Manila Bay.


Ang sewage treatment plant at wastewater interceptor ay may kapasidad na makapaglinis ng 10 million liters ng maruming tubig kada araw.

Ito’y bahagi ng pagsisikap ng MMDA at DENR na makatugon sa Supreme Court mandamus na nag aatas na linisin, i-rehabilitate at i-preserve ang Manila Bay.

Sinaksihan naman ito ni Pasay City Congressman Tony Calixto.

Facebook Comments