Ilang araw bago ang Semana Santa, isang groundbreaking ceremony ang isinagawa para sa itatayong simbahan sa Pagasa Island.
Ayon kay Philippine Coast Guard Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Jay Tarriela, layunin nito na mapunan ang espiritwal na pangangailangan ng mga residente sa isla sa gitna ng banta ng presensya ng China sa paligid.
Magsisilbi raw itong simbolo ng pag-asa, katatagan at pagkakaisa at ipakita na hindi lamang isang strategic outpost ang isla kundi isang buhay na komunidad.
Pinasalamatan naman ni Tarriela ang Apostolic Vicar of Puerto Princesa na si Bishop Socrates Mesiona, ang lokal na pamahalaaan, si PCG Commandant Admiral Ronnie Gavan at si retired Justice Antonio Carpio na personal na dumalo sa seremonya.










