Groundbreaking ceremony para sa pagtayo ng 23-storey public housing, isinagawa ng pamahalaang lungsod ng San Juan

Nagsagawa ng groundbreaking ceremony ngayong araw ang pamahalaang lungsod ng San Juan para sa itatayo nitong 23-storey high rise in-city public housing.

Itatayo ang nasabing pabahay sa F. Manalo Street sa pagitan ng A. Villa at San Miguel streets ng Barangay Batis sa nasabing lungsod.

Ayon kay Mayor Francis Zamora, katuwang nito ang National Housing Authority (NHA).


Aniya, ito ay may lawak na 2,624 square meter property na mayroong 549 residential units at may average size na 28 square meters per unit.

Kasama na rin aniya rito ang water at electric facilities mula Manila Water and Meralco at may mga amenities tulad ng multipurpose room.

Mayroon ding 11 commercial unit, 68 parking slots para sa mga sasakyan at 47 motorcycle parking slots.

Facebook Comments