Pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno ang groundbreaking ceremony sa itatayong 10-storey building sa Dr. Albert Elementary School sa Dapitan Street, Sampaloc, Manila.
Ito’y bilang bahagi ng layunin ng lokal na pamahalaan na palakasin at pagandahin pa ang sistema at pasilidad ng pampublikong paaralan.
Ang itatayong mga building na may sukat na 1.5 hectares ay mayroong 234 na airconditioned classroom, 16 opisina, 2 outdoor basketball court, gym, library, auditorium, cafeteria at elevator.
Ayon ka Mayor Isko, nararapat lamang na maranasan ng mga batang Maynila ang pagkakaroon ng komportable at maayos na pasilidad sa mga pampublikong paaralan tulad na lamang ng nararamasan ng mga nag-aaral sa pribadong eskwelahan.
Ang naturang proyekto ay bahagi ng plano ng lokal na pamahalaan ng Maynila na gawing makabago ang mga pampublikong paaralan.
Matatandaan na ang Dr. Alejandro Albert Elementary School ang isa sa tatlong paaralan na ipapaayos ng Manila Local Government Unit (LGU) kung saan una ng sinimulan ang pagsasaayos sa Manila Science High School at Rosauro Almario Elementary School na pinaglaanan naman ng P5 bilyong pondo.