BUGALLON, PANGASINAN – Matagumpay na pinasinayaan ang ground breaking ceremony sa isang itatayong bagong irigasyon o dam sa bahagi ng Dumuloc River, bayan ng Bugallon.
Ang irrigation project na ito ay may kabuuang service area na 1,632 ektarya kung saan siyam na barangay o katumbas ng nasa 1, 400 na magsasaka ang mabebenipisyuhan. Bahagi ng proyekto ang 4.3 kilometrong access road, zoned earthfill dam, at ungated ogee spillway.
Ang proyekto ito ng NIA Pangasinan ay may layong matulungan ang lokal na magsasaka upang mabigyan ang mga ito ng mas mataas na kita at upang mas maging magaan ang kanilang pagsasaka dahil hindi na sila mahihirapan sa tubig.
Pinangunahan ang naturang programa ng National Irrigation Administration sa pangunguna ni Administrator Ret. Gen. Ricardo Visaya, kasama ang panauhing pandangal mula sa Department of Agriculture Usec. Kristine Y. Evangelista, Pangasinan Governor 2nd District Representative, Bugallon Mayor, Deputy Administrator Freddie Toquero, Regional Manager Angelito Miguel, at Pangasinan Division Manager Gaudencio De Vera.
Samantala, binigyang papuri ng panauhing pandangal ang Provincial Government ng Pangasinan dahil hindi umano ito tumitigil magsagawa ng mga proyektong makakabuti sa mga mamamayang nasasakupan nito.###