
Biyaheng Western Visayas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong araw, Hulyo 14, para pangunahan ang groundbreaking ng Caticlan Passenger Terminal Building sa Caticlan Airport sa Nabas, Aklan.
Layunin nitong gawing world-class ang pasilidad at suportahan ang paglago ng turismo sa Boracay.
Target matapos ang proyekto sa pagitan 2026–2027 na inaasahang kayang makapag – accomodate ng hanggang pitong milyon pasahero kada taon.
Oras na matapos din ito, magiging interconnected na ang hangar, admin building, at marine terminal, control tower at fire station ng terminal.
Facebook Comments









