Manila, Philippines – Pagkatapos dumalo sa Kaamulan Festival, dumiretso si Pangulong Rodrigo Duterte ang groundbreaking ng drug rehabilitation center sa barangay Casisang, Malaybalay City, Bukidnon.
Sa talumpati ng Pangulo, muling binalaan nito na uubusin niya ang lahat ng drug lord sa bansa.
Ang nasabing pasilidad ay pangangasiwaan ng Department of Health.
Kabilang sa mga magiging pasyente dito ay ang mga sumuko sa oplan tokhang ng Philippine National Police.
Ang P700 milyon na drug rehab facility ay pinondohan Friends of the Philippines Foundation na pinamumunuan ng mga Chinese Nationals na sumusuporta sa sa drug war ni Pangulong Duterte.
Facebook Comments