Isinagawa ang groundbreaking ceremony para sa itatayong bagong Police station ng Agno sa pangunguna ng lokal na pamahalaan ng naturang bayan.
Ang naturang groundbreaking ay ang tanda ng opisyal na pagsisimula ng konstruksyon para sa bagong police station.
Isa umano sa hakbang upang lalo pang mapaigting ang seguridad at kaligtasan ng mga mga mamamayan sa Agno.
Nagbigay katiyakan naman ang LGU at ipang stakeholders na patuloy na susuportahan ang mga inisyatibo para sa kaligtasan ng publiko at pagpapalakas pa ng pwersa ng kapulisan laban sa kriminalidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments









