Manila, Philippines – Isasagawa na sa Enero ng 2019 ang groundbreaking ceremony ng Metro Manila subway.
Ito ay higit 300 bilyong pisong underground railway project na bahagi ng build build build program ng Duterte administration.
Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Communications Head Goddess Hope Libiran – ang railway system ay may habang 30 kilometro na magsisimula sa Quezon City hanggang sa NAIA.
Aabot na lamang sa 40 minuto ang biyahe mula Quezon City hanggang NAIA.
Nasa 14 ang istasyon ng subway system.
Pagdudugtungin din ito sa Light Rail Transit (LRT) line 1 at sa itatayong Makati subway system.
Makakatuwang ng Pilipinas ang Japan sa pagpapatayo ng subway system.
Target tapusin ang kabuoan ng proyekto sa 2025.
Facebook Comments