Ilulunsad na sa katapusan ng Pebrero ang groundbreaking ng Metro Manila subway.
Ang Metro Manila subway ay isa sa flagship projects ng Duterte administration sa ilalim ng Build Build Build Program.
Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Director for Communications, Assistant Secretary Goddes Hope Libiran – sa February 27 gaganapin ang groundbreaking nito.
Ang subway system ay magsisimula mula Mindanao Avenue sa Quezon City hanggang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Parañaque City na layuning maibsan ang mabigat na trapiko sa Kamaynilaan.
Ang unang tatlong istasyon nito: North Avenue; Mindanao Avenue at Tandang Sora ay magkakaroon ng partial operations sa 2022 habang ang full operation ng subway ay magsisimula sa 2025.
Facebook Comments