Pormal nang sinimulan ang konstruksyon ng modernong fire station sa bayan ng Natividad matapos ang matagumpay na groundbreaking ceremony na isinagawa ng Bureau of Fire Protection (BFP) Regional Office 1.
Itatayo ito sa bahagi ng Barangay San Maximo sa bayan. Ang itatayong pasilidad, na may kabuuang floor area na 377 square meters sa isang 400 square meter na lote, ay magsisilbing base operation center at barracks para sa mga BFP personnel sa bayan.
Sa naturang proyekto mas mapahusay ang kanilang kakayahan sa pagtiyak ng kaligtasan ng publiko at pagiging handa sa sakuna. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments