Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang groundbreaking ng “MTerra Solar Project” sa Nueva Ecija, na tinaguriang pinakamalaking integrated solar at battery storage facility sa mundo.
Sa kanyang talumpati sa groundbreaking ceremony, sinabi ng Pangulong Marcos na malaking tulong ang proyekto para matugunan ang tumataas na demand ng enerhiya sa bansa, at bilang suporta sa pag-shift tungo sa sustainable at clean energy.
Higit 2.4-milyong kabahayan din aniya ang inaasahang makikinabang at higit 10,000 trabaho ang magbubukas dahil sa proyekto.
May lawak din itong 3,500 hectares mula bayan ng Peñaranda, Nueva Ecija hanggang sa ilang bahagi ng Bulacan.
Taong 2027 pa inaasahang mag-ooperate ang pasilidad, na maglalaman ng limang milyong solar panels, na may peak capacity na 3,500-megawatts at Battery Energy Storage System capacity na 4,500 megawatt-hour.
Magkakaroon din ng 13-kilometrong transmission line ang pasilidad na direktang naka-konekta sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).