Groundbreaking ng pinakamalaking solar at battery energy storage facility sa buong mundo, pangungunahan ni PBBM ngayong araw

COURTESY: SP New Energy Corp.

Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang groundbreaking para sa Terra Solar Project ng Meralco at Meralco PowerGen sa Nueva Ecija.

Ito ang pinakamalaking single site solar at battery energy storage facility sa buong mundo.

Layunin ng Terra Solar Project na tugunan ang patuloy na pagtaas ng demand para sa kuryente at may mahalagang papel din ito sa transition sa paggamit ng malinis na enerhiya.


Binubuo ito ng 3,500-megawatt na planta ng solar power na may kasamang battery energy storage system na magbibigay ng malinis na enerhiya at kayang mag-supply ng kuryente sa 2.4 milyong kabahayan.

Bukod dito, inaasahang makakabawas ito nang malaki sa carbon emission na umaabot sa 4.3 milyong tonelada bawat taon.

Facebook Comments