Marawi City – Ginagamit na muli ng Armed Forces of the Philippines ang fighter jet na FA50, ang eroplanong nasangkot sa accidental fire, na ikinasawi ng dalawang sundalo sa Marawi City.
Ayon kay AFP public Affairs Office Chief Marine Colonel Edgard Arevalo, ito ay dahil sa walang nakitang pagkakamali ang binuong board of inquiry sa hanay ng mga piloto o maging sa eroplano.
Pero hindi na tinukoy ni Arevalo kung saang aspeto sumablay ang airstrike dahilan para tumama sa mga sundalo.
Aniya sa ngayon ay magkakaroon na ng adjustment sa technique, tactic at procedure ang military sa mga airstrike sa Marawi City para hindi na maulit ang insidente.
Matatandaang sa nangyaring accidental fire noong July 12, dalawang sundalo ang nasawi habang labing isang iba pa ang nasugatan.
Habang noong June 1 sampung sundalo naman ang nasawi nang sumablay din ang airstrike ng militar sa Marawi.