Groundwork para sa US visit ni PBBM, inilatag ni Speaker Romualdez

Inilatag ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang groundwork para sa makasaysayang pagbisita ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ngayong weekend sa United States para makipagpulong kay President Joe Biden at iba pang opisyal ng US.

Ilang araw bago ang pagbisita ni Pangulong Marcos ay dalawang linggo nang nasa US si Speaker Romualdez upang makipagpulong sa mga mambabatas ng Amerika at talakayin ang kooperasyon sa depensa at seguridad at economic partnership sa pagitan ng Pilipinas at US.

Para kay Romualdez, makasaysayan at naging mabunga ang kanyang pulong sa Speaker ng US House of Representatives.


Nabatid na ito ang unang pulong sa pagitan ng dalawang House Speakers ng dalawang bansa sa nakalipas na mga taon at tiyak na mapapalakas nito ang relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos lalo na ang security alliance at economic partnership.

Sabi ni Romualdez, nagkasundo sila ng US lawmakers na palakasin ang komunikasyon, kooperasyon at koordinasyon sa pagitan ng kanilang institusyon.

Hinikayat din ng grupo ni Romualdez ang mga opisyal ng Estados Unidos na dagdagan at palawakin pa ang pamumuhunan ngayong malakas ang ekonomiya ng bansa.

Facebook Comments