Grupo ng ANAKPAWIS Cagayan, Kinokondena ang pag-atake ng otoridad sa kanilang Kabuhayan

Cauayan City, Isabela- Kinokondena ng grupong Anakpawis Cagayan ang umano’y pag-atake ng kasundaluhan, marines at PNP sa mga magsasakang nangangampanya para sa kanilang kabuhayan, kalusugan at Karapatan.

Batay sa pahayag ng grupo, pinapatindi lang umano ang pagpapasuko sa mga lider at organisasyong magsasaka na nangunguna sa para ipanawagan ang kanilang mga hinaing sa pamahalaan.

Ayon pa sa grupo, ipinapanawagan lang ng mga magsasaka para burahin ang interes sa pautang sa panahon sa harap ng pandemya habang kanila na itong iginiit pa na humihiling na magkaroon ng ordinansa ang LGU para higit umanong mapakinabangan ng lahat ng magsasaka.


Kasabay ito ng umano’y magkasunod na red tagging mula Abril hanggang Hunyo na pagsasapubliko ng malisosyong akusasyon ng militar gamit ang mga sako na may nakasulta laban sa mga magsasaka.

Sinundan din ito nitong Agosto 12 sa Bayan ng Baggao, Amulung, Alcala, at Iguig para umano takutin ang mga magsasaka na nais lamang lumahok sa kampanya para ipanawagan ang pagpatay sa lider ng magsasaka at pinuno ng Anakpawis na si Randy Echanis.

Hindi pa umano nakuntento, minanmanan at kinuhanan ng video ng mga pinaghihinalaang ahente ng estado ang tahanan ng mga lider magsasaka sa mga baryo ng Carupian at Bunugan sa Baggao, Cagayan nitong Agosto 11 at 13, 2020.

Iginigiit din ng grupo na ibigay ang serbisyong medikal at ayuda at itigil ang militarisasyon sa kanayunan.

Sa ngayon ay hinihingan ng komento ang panig ng otoridad hinggil sa pahayag ng grupo.

Facebook Comments