Grupo ng catholic schools sa bansa, humingi ng clarificatory order sa DepEd kaugnay sa bagong schedule ng pasukan sa October 5

Sumulat na ang grupo ng catholic schools sa bansa sa Department of Education (DepEd) upang humihingi ng clarificatory order ang hinggil sa bagong schedule ng pagbubukas ng klase sa Oktubre 5, 2020.

Mismong si Fr. Elmer Dizon, Presidente ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP), ang sumulat na ipinost rin ng Catholic Bishops Conference Of The Philippines (CBCP) sa kanilang social media account.

Ayon kay Fr. Dizon, nagulat sila na biglaang anunsyo ng DepEd na gagawing October 5, 2020 na ang pagbukas ng klase, imbes sa August 24, 2020.


Nakipagpulong pa aniya sila sa DepEd nito lang nakaraang mga araw at walang sinabing may bagong schedule ng pasukan.

Nakapagsumite na rin aniya ang iba’t ibang paaralan ng required documents gaya ng learning continuity plan, health and safety protocols, at school calendar na nagpapahayag ng kanilang kahandaan para sa pagbubukas ng klase sa August 24, 2020, kaya nagtataka ang mga pribadong paaralan sa bago na namang desisyon ng DepEd.

Nilinaw ni Fr. Dizon, nakikiisa ang mga catholic school sa pagbibigay prioridad sa safety ng mga estudyante at guro, pero nais lang nila ng mas klarong guidelines at kung ang memorandum ay para lang ba sa public schools.

Giit pa nito, ang CEAP ay may 1,500 member schools at karamihan ay nakararanas ng financial problem dahil sa kumonti ang nag-enroll sa gitna ng krisis, kaya mainam na rin aniya na payagan na sila magsimula ng klase.

Facebook Comments