
Ikinababahala ng hanay ng mga health advocate ang lumulutang na posibleng italagang bagong kalihim ng Presidential Communications Office (PCO) na mula sa isang malaking kompanya ng sigarilyo.
Ayon kay Dr. Ulyses Dorotheo ng Southeast Asia Tobacco Control Alliance, hindi katanggap-tanggap sa kanilang hanay ang paglutang ni Dave Gomez na isang tobacco lobbyist para palitan si Sec. Jay Ruiz sa pwesto.
Sabi naman ng Sin Tax Coalition, makabubuting pag-aralan ng husto ang hakbang at magdahan-dahan sa planong italaga sa Malacañang.
Ang PCO ang tagapaghatid ng mensahe ng administrasyon sa ilang mahahalagang policy direction na kritikal sa pangangailangan ng taumbayan.
Wala pang pahayag si Gomez kaugnay rito.
Facebook Comments









