Grupo ng Human Rights Advocate, hindi sang-ayon sa pagpatay sa 2 persons of interest sa Bulacan Massacre

Bulacan – Kinukundena ng grupo ng Human Rights Advocate ang ginawang pamamaslang sa dalawang persons of interest sa Bulacan massacre.

Ayon kay Egay Cabalitan, Advocate Staff at miyembro ng Philippine Alliance of Human Rights Advocate, bagamat wala sila sa posisyon na kwestyunin ang naging pahayag ni PNP Chief Ronald Dela Rosa, na kagagawan nga ng mga vigilante ang pagpatay sa dalawang persons of interest sa Bulacan Massacre, hindi pa rin aniya sila pabor sa pamamaslang na ito.

“Siyempre nagsi-sympathize tayo sa lahat ng biktima ng krimen, lalong lalo na yung pamilya ng na massacre, sino ba naman ang hindi mahahabag, mato-touch dun sa nangyaring karumal-dumal na pagpatay dun sa buong maganak, kahit naman sinong tao, nananawagan tayo ng hustisya para sa kanila.


“Nananawagan tayo sa pamahalaan na aksyunan yung kanilang problema, pero sa kabilang banda ay hindi tayo sang-ayon dun sa ano mang promosyon o ano mang nangyayari ngayon na nasa mga vigilante ngayon ang pagpatay.’’ – Egay Cabalitan

Ayon kay Cabalitan, hindi pa rin dapat tinanggalan ng due process ang mga biktima, dahil suspect o persons of interest pa lamang ang mga ito, at malaki ang posibilidad na napagbintangan lamang.

Kaugnay nito, tiniyak ni Cabalitan na kaisa sila ng publiko sa mga nananawagan para mabigyang hustisya ang pamilya Carlos, at mananawagan rin sila sa gobyerno na aksyunan yung mga kaso ng pagpatay.

Facebook Comments