Grupo ng Kababaihan, Timbog sa Aktong Pagsusugal ng Pepito

19

Cauayan City, Isabela- Agad na dinakip ng mga operatiba ang 6 na kababaihan matapos maaktuhan na nagsusugal sa ilalim ng mangga sa Brgy. Minante 2, Cauayan City, Isabela kamakalawa.

Kinilala ang mga suspek na sina Laureta Dollentes, 73-anyos; Nida Domingo, 53-anyos; Lita Marcos kapwa mga residente sa lugar.


Habang nakilala ang iba pa na sina Jessica Peru, 38-anyos; Nolyda Medes, 56-anyos at Karen Pagaduan, 40-anyos.

Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP Cauayan City, nakatanggap sila ng impormasyon na may grupo ng kababaihan ang kasalukuyang naglalaro sa bakanteng lote ng nagngangalang Rodimar Dollentes.

Ayon naman kay Ginang Peru, katuwaan lang sana ang kanilang ginawa dahil sa mainit na panahon subalit hindi nito inakala na mauuwi ang masayang paglalaro sa kulungan.

Posible namang umabot sa P20,000 ang kanilang piyansa bawat isa para sa kanilang pansamantalang kalayaan.

Isinampa ngayong araw ang kasong paglabag sa PD 1602 laban sa mga suspek.




Facebook Comments