Ayon kay Nueva Vizcaya PNP Provincial Director PCol. Ranser Evasco, aabot sa dalawampung (20) kabataan na naglakad mula sa COMELEC patungo sa harap ng St.Dominic Cathedral bitbit na mga plakard at humihirit din ng recount sa resulta ng bilangan sa pagka-pangulo.
Payapa naman ang naging pagkilos ng mga kabataan habang nakabantay ang mga awtoridad.
Samantala, nag-kilos protesta rin ang mga miyembro ng Kabataan Partylist sa harap ng kapitolyo ng Isabela partikular sa Queen Isabela Park, Brgy. Alibagu, Ilagan, Isabela.
Kinukwestyon rin ng grupo ang resulta ng bilangan kung saan patuloy ang pag-angat ni Presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos sa pagkapangulo.
Tiniyak naman ng pulisya na nakahanda sila sa anumang isasagawang kilos protesta at iginiit na mananatili ang maximum tolerance.