Mahigit 100 leader at myembro ng Lesbians, Gays, Bisexual at Transgender (LGBT) ng lungsod ng Pasig ang boluntaryong nanumpa ng pagsuporta para Ending Local Communist Armed Conflict (ELCAC) program ng Philippine National Police (PNP).
Isinagawa ang nasabing programa sa covered Court ng Barangay Pineda Pasig City bilang pakikiisa ng PNP sa pagtatapos ng LGBTQ+ month o Pride month.
Ang nasabing programa ay pinagangunahan ng Eastern Police District (EPD).
Ayon kay EPD Chief Police Brigadier General Mathew Baccay, makakaasa ang mga ito ng patas na pagkilala at proteksyon ng kapulisan.
Hinikayat din niya ang mga ito na isumbong ang anumang pang aabuso, insidente, at karahasan sa kanilang lugar o hanay.
Maliban sa EPD, dumalo rin ang ibang opisyal ng Barangay gaya ng Sangguniang Kabataan at LGBT convenor na si Bb. Jana De leon.