Grupo ng magsasaka, malabong maibalik sa ₱25 kada kilo ng bigas sa Kadiwa Store

Naniniwala ang mga grupong magsasaka na malabo na umanong babalik sa Kadiwa Store ang ₱25 kada kilo ng bigas.

Ito ay matapos na sumuko at tuluyan ng umatras ang grupong System of Rice Intensification-Pilipinas at Organikong Magsasaka sa Palayan sa pagbebenta ng murang bigas.

Ayon sa kinatawan ng grupo na si Jimmy Vistar, sa kabila kasi ng pagnanais nilang makatulong sa gobyerno at mamimili wala umano nilang makatulong sa gobyerno at mamimili, wala umano silang nakukuhang suporta sa Department of Agriculture (DA).


Paliwanag ni Vistar na tatlong beses umano silang sumulat kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., pero kapag ibinababa kay Senior Usec. Domingo Panganiban ay nire-reject umano ito ng opisyal.

Ang pagnanais lang umano nila ay maiprisinta ang sistema na kanilang ginagawa kung bakit kaya nilang magbenta ng ₱25 na kada kilo ng bigas

Pagmamalaki pa nga ng grupo kaya pa nga raw nila magbenta ng hanggang ₱25 kada kilo ng bigas kung may suporta lang gobyerno.

Hinahamon pa nga nila ang mga opisyal ng DA na nagsabi na malabong mnagyari ang ₱20 kada kilo ng bigas.

Kasunod nito, naniniwala sila na hindi bababa ang presyo ng bigas kahit na mag-anihan ng Setyembre kung mananatiling mataas ang production cost.

Ang gastusin umano kasi sa mga farm inputs ang pangunahing dahilan ng pagtaas ng farmgate price ng palay.

Kung hindi sosolusyunan ang ugat ng problema, mananatiling mataas ang presyo ng bigas.

Facebook Comments