Humihirit ang Trade Union Congress of the Philippines na bigyan ng ‘paid 14-day quarantine leave’ bilang hazard pay ang lahat ng mga manggagawa, mapa- gobyerno man o pribado- na expose sa infection sa 2019 novel Coronavirus habang nagta-trabaho.
Ayon kay TUCP spokesperson Alan Tanjusay marami nang mga manggagawa ang isinailalim sa 14-day quarantine period matapos ma-expose sa umano’y mga turistang may hinihinalang nCoV habang nagtatrabaho nang walang sahod at sila pa ang nag bayad ng mga gamot, hospitalization at professional fee.
Ayon kay Tanjusay ito ay isang pang-aabuso at pagsasamantala sa mga manggagawa na nahawa habang ginagawa ang kanilang trabaho.
Dahil dito, nararapat na bayaran ang mga manggagawang ito ng tinatawag nilang “paid quarantine leave” bilang isang uri ng hazard pay bukod pa sa kanilang araw ang sahod na tinatanngap.
Sinabi ni Tanjusay na dapat maglabas ng policy ang Civil Service Commission para sa government employees at ang Department of Labor and Employment para sa mga pribadong negosyo na magre regulate sa nasabing sitwasyon.
Iginiit ni Tanjusay na kabilang sa dapat ay sakop ng “paid quarantine leave” hazard pay ang nasa immigration, cabin crew, pilot, security, maintenance at customs at check-in counters sa lahat ng airports at seaport sa bansa.
Dapat din bigyan ng naturang “paid quarantine leave” hazard pay na dagdag sa kanilang araw ang sahod ang mga manggagawang nagta trabaho sa mga hospital, hotel, resraurants at quarantine facilities gaya ng doctor, nurse, medical health personnel at hospital workers dahil sila ang maaring maexpose sa virus sa kanilang pakikihalobilo sa mga taong posibleng may nCoV.
Kasama na rin dito ang mga miembro ng media na nagcocover sa mga pasyente at lugar na may nCoV.