Manila, Philippines – Bigong makalapit sa lugar na pinagdarausan ng pulong ng mga delegado ng mga bansa sa ASEAN Summit ang ibat ibang grupo ng mga raliyista.
Mula plaza Salamanca, nagtipon tipon ang mga miyembro ng grupong Pagkakaisa ng mga Samahan ng Mangingisda at mga organisasyon sa ilalim ng Freedom from Debt Coalition.
Magmamartsa sana ang mga ito patungo sa CCP-PICC complex, pero sa bahagi pa lamang ng TM Kalaw , hindi na nakalusot ang mga raliyista dahil hinarangan na ng truck ng bumbero at 6 x 6 truck ang kalsada sa tapat ng National Library.
Ayon kay Pangisda National chairperson Pablo Rosales, wala nang mahuling isda ang mga mangingisda dahil ang baybayin na pinagkukunan nila ng kabuhayan ay ginawa nang reclamation area ng mga malalaking kapitalista.
Ibat ibang grupo sa ilalim ng Freedom form Debt Coalition ang hindi rin pinaporma ng ng CDM unit.
Iginigiit ng FDC na panahon na para silipin ng ASean ang ang ang pantay at makataong oportunidad para sa mga mahihinang bansa.
Halos hindi naman gumalaw ang daloy ng sasakyan sa magkabilang parte ng TM Kalaw dahil sa rally.
Pagkatapos ng isang oras, kusa na ring nag disperse ang mga raliyista.
Grupo ng mangingisda at mga militanteng grupo ,di nakaporma dahil sa mahigpit na seguridad sa Maynila
Facebook Comments